Kahalagahan ng mga Akda ni Rizal

Sa kasalukuyang panahon, nakakalimutan na ng lipunan si Jose Rizal at ang kanyang mga isinulat na mga akda. Ang mga gawa niya ay isa sa mga nagbukas sa mga mata ng Pilipino para hindi abusuhin ng mga Kastila. Kung tatanggalin man ng kagarawan ng edukasiyon ang pag- aaral tungkol sa mga gawain ni Jose Rizal, tutol ako dito. Ito ay  dahil palagay ko ay marami maaring matututunan ang mga tao dito at maaaring gamitin sa ating buhay.

 

Mahalagang pag- aralan ang mga akda ni Rizal. Ito ay dahil marami siyang mga itinuturo na puedeng magamit sa ating pang- araw araw na mga gawain. Ang isa sa mga ipinakita na puedeng magamit sa ating buhay ay ang pagiging matatag. Maari nating gayahin ang mga kaisipan ni Rizal na maging matatag at pagkakaroon parin ng tiwala kahit lumok na ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Ang pangalawang dahilan kung bakit importante ang pag- aaral ng mga sulatin ni Rizal ay dahil mamalaman natin kung ano ang  kaiisipan nila sa panahon ng mga Kastila. Para saan pa ang pag- aaral ng kasaysayan kung hindi rin naman pala natin malalaman kung ano ang kanilang pinapag- isipan? At ang pangatlo ay para mabuksan ang mga mata ng mga Pilipino tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ito ay magbubukas ng mga mata ng mga Pilipino tungkol sa pagmamahal ng sariling bayan at kung ano ang iniraos ng mga tao noon para ang bayan natin ay magtagumpay.

 

Ang mga napiling kong akda ni Jose Rizal ay “Sa Aking mga Kabata” at ang “Noli Me Tangere”. Ang ipinapakitang mensahe sa akdang “Sa Aking mga Kabata” ay ang pagmamahal ni Rizal sa wikang Tagalog. Para naman sa mensahe ng “Noli Me Tangere”, isinulat ni Rizal na kailangan ng mga Pilipino na buksan ang kanilang mga mata laban sa mga Kastilang umaapi sakanila. Para saakin, pareho lang ang mga mensaheng ipinaparating ng dalawang akda na ito. Ito ay dahil sa dalawang akda na ito, ipinapakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan sa paraan ng pagpupuri sa kanyang lengguahe at pag- alala sa kanyang mga kababayang Pilipino.

 

Sa pagbasa at pag- aral ng kanyang mga akda, nalaman ko kung ano at kung papaano sila nag- iisip sa panahong iyon. Ako rin ay nabigyan ng inspirasiyon para tumatag ang aking pagtingin sa ating bayan at sa pagtingin rin sa aking sarili na dapat ay magkaroon ng lakas ng loob para tumagumpay sa mga panahon ng paghihirap. Dahil sa pagbasa nitong mga akda, napahanga rin ako kay Jose Rizal dahil napakagaling niya pagsulat. Kahit sa murang idad, meron na agad siyang kakayanan para makapagsulat ng mga akda na ganoon ka ganda. At sa pagbabahagi lang ng panunulat, nabuksan rin niya ang mga mata ng mga Pilipinong nasa ilalim ng Kastila at nangungulila na. Sa huli, nagkaroon rin ako ng inspirasiyong ko mas lalong mahalin ang ating bayan dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa ating bayan.

 

 

Para saakin, wala masyadong pagkakaiba ang lipunan ngayon sa lipunan noon. Ang pagkakaiba lang naman ay nagkaroroon lang tayo ng kalayaan sa ating bansa. Pero sa kasalukuyan, meron paring mga tao naghihirap, matumal at korapsiyon sa gobyerno. At sa lipunan noon, mas mahirap iparating ang mga salita na himukin ang mga Pilipino na lumaban mula sa mga Kastila dahil noon, kailangan pang itago anf mga gawain ng paghihikayat para hindi mahuli ng mga Kastila.  Pero sa panahon ngayon, madali lang ang pagkakalat ng mga ating salita dahil sa pagkakaroon ng teknolohiya at demokrasiya. Sa lumang manahon rin ay may mga taong walang edukasyon dahil bawal sila mag- aral dahil sa mga Kastila. Pero sa kasalukuyang panahon, halos lahat na ng tao sa lipunan ay nakakaranas ng edukasyon.

 

Sa kasalukuyan panahon, maisasabuhay ko ang mga mesahe ng mga akda sa buhay sa paraan na lagiging tandaan ang mga ito at gawing inspirasyon sa pang- araw araw na buhay. Ang isa sa mga puede kong maisabuhay sa mga natutunan ko dahil sa mga akda ni Rizal ay ang magiging makabayan. Tutularan ko si Rizal na maging makabayan para maipakita ko ang pagmamahal ko sa sarili kong bayan. Bibigyan ko ng importansiya ang aking mga ginagawa para sa Pilipinas. Bibigyan ko rin ng karangalan ang mga Pilipino noong panahon ng Kastila dahil patuloy silang lumalaban kahit masyado na silang inaapi ng mga Kastila. Ito ay dahil hindi sila nawalan ng pangarap na hindi na ulit magiging malaya ang Pilipinas. Bibigyan ko rin ng karangalan ang ating lenguahe dahil ito ay di karaniwan. Tayo lamang ang bansa na gumagamit ng tagalog at dapat natin ito ipagmalaki. At pinaka- importante sa lahat, dapat ay bigyan natin ng halaga ang ating buhay dahil sa kalagayan na ito, tayo ay maswerte na kumara sa kalagayan ng mga Pilipino dati. Tayo ay maswerte na dahil sa panahon ngayon, hindi na tayo inaapi, inuulila at hindi na tayo nasailalim ng mga Kastila. Tayo ngayon ay nasa ilalim ng mabuting gobyerno at dapat rin ay maging masaya tayo dahil sumusunod tayo sa demokrasiya.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s