Gate 14

Ang nakiita sa larawan na ito ay ang gate 14. Ito ang pangunahing pasukan at labasan ng mga patungo o galing sa High School Building. Kapag labasan na ng mga galing sa High School building, lahos hindi mahulugan ng kayarom dito sa dami ng estudiyante na nagsisisikan lalo na kung umuulan. Ang mga guardiya dito ay laging naka ngiting aso lahit na may problema para hindi rin masyadong mainis ang mga kumakausap sakanila. Maraming mga kotse ang dumadaan para maihatid ang mga mag-aaral dito. Sa sobrang dami, nagmumukhang nag-aabang sa sumapit ang pasko and mga driber at yaya dahil sa sobrang trapik. Ang trapik ay umaabot pa hanggang sa malayong lugar. Kapag uwian naman, pareho lang ang istorya. Halos manghapdi na rin ang mga bituka ng mga estudiyante at mga driber sa gutom. Pero kahit na ganito ang pangyayari araw araw sa gate 14 na papasok ng Xavier School, alam ko na may magandang hinaharap ako.

 

 

 

 

 

 

 

William

Napanood ko ang palabas na William sa PETA theater noong ika-siyam ng Setyembre. Pagkatapos naman naming manood, tinanong ko ang aking mga kaklase kung maganda ba para sa kanila ang palabas at ang sinabi nila ay nagustuhan naman nila dahil nakakatawa ito at naiintindian nila nang mabuti. Nakakaugnay rin kami rito dahil ang mga karacter sa palabas ay mga binata at mga dalaga ang mga papel parang kami, mga binata. Dahil dito kaya namin nagustuhan ang istorya.

Ang palabas ay tungkol sa limang magkaklase at kailangan nila gawin ang proyekto nila sa klase sa ingles na ang kailangan ay magpresenta ng isang tula na ginawa ni Shakespear. Ang ideya ng guro at at kanyang mga istudyante ay sabay- sabay silang magbubunyad ng kanilang napiling tula na isinulat ni Shakespear, pero sa kalagitnaan ng istorya, isinabi na lang ng guro na isa- isa na lang nilang ipepresenta ang kanilang proyekto dahil sa isang mantinding problema sa pamilya at sa isa’t- isa. Dito masusubukan ang kanilang pagkakaibigan at kung magtutulungan pa rin ba sila pagkatapos ng kanilang pinagdaanan. At sa kahulihan ng kwento, may mga tauhan sa kwento na magsasabi kung ano talaga ang nararamdaman nila sa isa’t- isa. Meron ring isang tauhan na bigla nalang lalabas kung sino talaga sita bilang isang tao. Nagtapos ito sa isang masayang pangyayari dahil ito ay kanilang prom. Bago magsimula ang prom, silang lahat ay naayos na ang kanilang mga suliranin ukol sa pamilya at mga kaibigan.

Dahil sa panonood ng pelikulang ito, marami akong natutunan na iba’t- ibang mga leksyon na magagamit sa sa akong buhay. Isa sa mga ito ay kailangan ng mga tao na ilabas ang kanilang sasaloobin para malaman ng mga tao kung ano ang nararamdaman mo sa isang o kung puede ay grupo ng mga tao at dahil dito, maaring matuklasan nila na mali sila at magbabago sila. Ang isa pang natuklasan ko na leksyon sa palabas na ito ay importante na pag-aralan ang buhay ni Shakespear. Ito ay importante dahil isa siya sa pinakamagaling na manunulat ng buong mundo simula noong una siyang nadiskubre hanggang ngayon, Siya rin ay nagsulat ng ibang pinakamagandang istorya na isinulat, kagaya ng “Romeo and Juliet”. Kaya ko ito irinirekomenda sa mga tao, lalo na sa mga kabataan dahil sa mga leksyon na ito at isa pa, dahil masaya ito panoorin para sa mga bata at matatanda. 


Natatanging Pilipinas!

Ang Pilipinas ay isa sa maga pinaka nakakaiba at pinaka magandang basna sa buong mundo. Marami ring mga iba’t ibang mga pangyayari na importante sa ating kasaysayan. Ang ipapahayag ko sainyo ngayon ay ang mga natataning mga bagay, karanasan, mga tao at iba pang mga nakakatangi sa Pilipinas.

Maraming magagandang lugar ang Pilipinas tulad nalang ng Boracay at Baguio na madalas dayuhin ng mga turista na galing sa ibang bansa pa. Maihahambing ko ang Boracay na parang maliit na Hawaii dahil sa magagandang mga tanawin at ang napakahabang dabing dagat dito. At dito rin ay mayroon maraming magagawa tulad nalang ng libutin ang isla, magswimming at marami pa. Ang Baguio naman ay mahahalintulad ko naman sa mga malalamig na parte ng Europa dahil katamtaman lang ang lamig dito at marami rin puedeng makita dito. Ang nasabing lugar ay ipinangalanan ring “Summer Capital of the Philippines” dahil ito ay pinaka dinadayong lugar kapag nag-init sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay natatangi sa mga ibang bansa dahil ang Pilipinas ay isa sa basna sa pinaka malakas magpadala ng mga nahuhuling isda. Nasasabi nga nila na halos 2% ng isda sa buong mundo ay nanggagaling sa Pilipinas. Ang dahilan sa maraming pagkahuli sa isda ay dahil ang Pilipinas ay pinapalibutan ng mga iba’t ibang mga anyo ng tubig. Isa lang ang Pilipinas sa mga kakaunting mga bansa na puedeng makikita ang iba’t ibang mga anyo ng lupa at sa isang bansa at dahil dito ay maraming mga puedeng paghanapan ng hanap- buhay.

Ang mga tao sa Pilipinas dahil marami silang mga ugali tulad ng pagiging masayahin, matiyaga at marami pa. Nasasabi ko na sayahin ang mga Pilipino dahil kahit nasalanta na kami ng mga malalakas na bagyo at nawalan man kami ng tahanan, nakangiti parin kami dahil alam namin na kami ay matutulungan at makakabawi muli. Matiyaga naman ang mga Pilipino dahil naghihirap buhay kami para magkaroon ng trabaho para lang mapakain ang mga pamilya kahit kaunti. Gagawin namin ng paraan para lang makapag-ipon ng pera. Kahit pa man na maghukay kami ng napaka lalim o magbenta kami sa kalsada ng iba’t ibang mga gamit. Ang magandang ugali rin ng mga Pilipino ay ang aming bayanihan na kapag sinabi sa ingles ay “leave no man behind.” Lagi kaming nagtutulungan kahit mahirap man ang gagawin basta ay matulungan lang. Kahit ang paglipat ng bahay sa paraan na pagbubuhat ay gagawin namin kahit ang bayad lang saamin ay kaunting pampabusog man lang.

Mayroon rin isang hayop na natatangi dito sa Pilipinas at ito ay ang Tarsier. Ito ay ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo. Ito ay halos tatlong pulgada and tangkad ng Tarsier. Ito ay may mga malalaking mata at mahabang buntot. Ito ay mahahanap lamang sa Bohol.

Sa aking konklusion ng mga natatangi sa Pilipinas, marami ang puedeng makita sa Pilipinas na mga ugali, tanawin at mga hayop. Pero maliban dito ay marami pang mga natatanging mga bagay sa Pilipinas tulad nalang ng Bilibid Prison, Balot at mari pa. Mabuhay at magandang araw sa inyong lahat!

This slideshow requires JavaScript.